‘Essential workers, indigents, posibleng bakunahan na sa katapusan ng Mayo’

Plano ng gobyerno na simulan na ang pagbabakuna sa mga kasama sa A4 priority group kung saan kabilang ang essential frontliners, at indigent population sa katapusan ng Mayo.

Sa pre-recorded speech ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na inirekumenda ng business sector, maraming Cabinet officials, pati na ng ilang senador ang pagbabakuna sa mga nasa ilalim ng A4 group.

Ayon kay Galvez, ang mga bakuna mula sa global initiative na COVAX facility ang pwedeng gamitin sa indigent population.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH). na ang mga COVAX-donated vaccines lalo na ang AstraZeneca at Pfizer doses ay pwede lang gaitin sa top 3 priority groups o ang mga health workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Sinabi ni Galvez na sa oras na maging bukas na ang vaccination sa mahihirap na populasyon, mababawasan ang pagdududa kung maituturok ang AstraZeneca vaccines bago ito mag-expire sa June o sa July.

Aniya, ang target population ng essential workers ay nasa 12.8 milyon habang 16 milyon naman ang nakalista sa ilalim ng indigent population.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *