Estatwa ng babae na dumedede sa biyanan, inireklamo ng bata

China – Tinanggal sa park ang isang kontrobersyal na estatwa ng babaeng dumedede sa kanyang biyanan matapos itong ireklamo ng isang bata sa Huzhou, Zhejiang, China.

Ayon sa report, ang estatwa na makikita sa Yingpanshan Park ay unang naging trending matapos na ipinost ng isang lokal na turista na hindi nagustuhan ang itsura nito.

Sinabi pa ng park staff na inireklamo din ito ng isang bata dahil nagpapakita ito ng kabastusan.

Paliwanag naman ng park, ang estatwa ay base sa lumang Chinese story at nagpapakita ito ng ‘filial piety’ o ang pagmamahal sa mga magulang.

Pinapahalagahan umano ng estatwa ang moral values sa librong “The Twenty-four Filial Exemplars” na isinulat ni Guo Jujing noong  Yuan dynasty (1260-1368).

Ngunit ayon sa isang online commenter: “In the modern world, can you imagine a woman breastfeeding her in-law? | SCMPost | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *