Estrada, nanawagan sa agarang pagpasa ng panukalang batas na Kabalikat sa Hanapbuhay Act

Pormal nang inihain sa Senado ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Chairperson, Senator Jinggoy Estrada ang panukalang batas 2456 o “Kabalikat sa Hanapbuhay Act”.

Ayon kay Estrada, katulad ng RA 11261 o “First Time Jobseekers Assistance Act” ay layunin din ng itinutulak niyang panukalang batas na mapagaan ang bulsa ng mga indigent families.

Read More:  More than 200 complaints on flood control projects under fact-finding probe — Ombudsman

Sa ilalim kase nito ay bibigyan ng dalawampung porsyentong diskwento o “waive” sa fees at charges ang sinumang mapapatunayang parte ng “indigent” na kukuha ng pre-employment documents mula sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Read More:  Marcos calls special session on June 17

Dagdag pa niya, makatutulong sa mahigit limang milyong mahihirap na sambahayan ang pagsasabatas nito.

Kaugnay nito, umaasa ang senador sa agarang pagsasabatas nito upang makapakinabangan ng mga kwalipikadong aplikante.