Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na nag-top sa November 2022 Civil Engineer Licensure Examination ang estudyante ng University of the Philippines Los Baños campus (UPLB).
Ang nasabing estudyante ay si Carl Jervin Rivera Magtira na nakakuha ng 95 percentage rating, pinakamataas ito sa kabuuang 8, 029 na pumasa rin sa licensure exam.
Sinundan si Magtira nina Andrew Aren Binondo Ong na nakakuha ng percentage rating na 94, at ni Joseph Lawrence Galletes Celeste na may percentage rating na 93.95, na parehong nagmula sa UP – Diliman.
Samantala, kabilang naman ang University of the Philippines – Diliman, University of the Philippines – Los Baños, Surigao del Sur State University – Main Campus, Carlos A. Hilado, Memorial State College – Talisay, at De La Salle University – Manila sa top performing schools, ayon sa PRC. // SMM