Estudyante na walang gamit at uniporme, inspirasyon ngayon sa mga Palaweño

Inspirasyon ngayon sa mga Palaweño ang kwento ng buhay ni Ms. Teresita Wagan, 18 anyos ng Barangay Calasaguen , Brooke’s Point Palawan.

Si Teresita na nag-aaral ngayon sa kolehiyo ay  isa sa maraming estudyante na nahihirapan sa buhay subalit hindi tumitigil sa pagtupad ng pangarap na maging guro.

Siya ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor’s Degree sa Secondary Education sa Palawan State University Brooke’s Point.

Ayon sa kanyang kaibigan at kaklase na Ms. Myra Mablen, kinakailangan pang mag-uling ni Teresita na pinagkukunan niya ng panggastos pero kulang na kulang pa rin.

Isa lamang daw ang uniporme ni Teresita sa eskwelahan, parehong luma ang sapatos at bag at walang cellphone na nagagamit para sa klase.

Sa kabila ng pagsubok ay patuloy na nagsusumikap at tinutupad ni Teresita ang mga pangarap para sa pamilyang siya ang tumataguyod.

Matapos maitampok sa Brigada ang kwento ni Teresita ay masaya nitong ibinalita na may nag-aalok sa kanya ng scholarship at iba pang mga tulong.

Kahapon ay personal nang inihatid ng Brigada ang pinagsama-samang donasyon sa kanya mula sa mga Ka- Brigada tulad ng dalawang sakong bigas, sapatos, bag, school supplies at mga damit kaya labis ang pasasalamat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *