Estudyante, ninakawan ng motor road bike sa Legazpi City

Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang nawawalang motor road bike matapos itong nakawin ng hindi nakikilalang suspek sa Brgy. 14, Ilawod, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang biktimang si Nathaniel Rey Talde Ariate, 19 anyos, residente ng Brgy. Taysan ng nasabing lunsod.

Ayon sa report, dumulog sa Legazpi CPS ang biktima upang iulat ang pagkawala ng kanyang motor bike na aabot sa PHP80,000 ang halaga.

Sa pagsusuri sa CCTV footage na nakainstall sa lugar, napag-alamang isang lalaki ang dahan-dahang kinuha ang motor na itinakbo sa hindi malamang direksyon.

Ang mga duty investigator ng Legazpi CPS ay pinuntahan ang lugar upang magsagawa ng follow-up na imbestigasyon at ocular inspection para sa pagkakakilanlan ng suspek at pagrekober ng nasabing behikulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *