Estudyante, patay ilang oras matapos pakasalan ang lalaking kakakilala lang niya

Isang 18-anyos na lalaking high school student sa Taiwan na nagmana ng milyun-milyong dolyar, ang namatay dalawang oras lamang matapos umanong pakasalan ang isang lalaking dalawang beses pa lamang niya nakilala.

Ang mag-aaral mula sa Taichung city sa  Taiwan, ay nagmana ng property portfolio mula sa kanyang ama bago siya mamatay.

Natuklasan ang kanyang bangkay sa labas ng isang apartment building noong May 4 .

Kinilala lamang sa apelyidong Hsia , 26 anyos ang asawa ng biktima,  na ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na pinatay ito dahil sa kanyang kayamanan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *