Patay ang isang motorista matapos mabanga ng pick-up sa National Highway ng Barangay Maoyon, Puerto Princesa City mga bandang alas 12:30 ng tanghali kahapon, February 16, 2023.
Kinilala ang biktima na si Jordan Vigo, nasa hustong gulang, estudyante at residente sa nabangit na barangay,
Ayon kay kagawad Ricky Abadiano, bumili lang umano sa tindahan ang biktima sa direksyon pa south pagkatapos ay tumawid ito sakay ng kanyang motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalsada.
Sa pagtawid ay saktong parating ang pick-up na pula na galing sa lungsod na papunta rin sa bahagi ng norte ng lalawigan.
Sinubukan pa umanong dalhin sa pinakamalapit na satellite clinic, subalit binawian na ito ng buhay.
Samantala, ang driver ng pick-up ay nasa kustudiya na pnp para sa kaukulang imbestigasyon.
