Estudyante, patay matapos mabugbog sa isang bar sa Tondo

Nasawi ang isang estudyante matapos mabugbog sa isang bar sa Tondo.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines, nakakuha sila ng impormasyon na napagtripan ang biktima at ginulpi gamit ang monoblock kaya siya nagtamo ng mutiple injuries.

Dagdag pa ni Ines, may suspek na rin sila ngunit hindi pa nito isasapubliko dahil kasalukuyan pang gumugulong ang imbestigasyon.

Batay sa ulat ng MPD, nasa 9 ang suspek at sasampahan nila ng kaukulang reklamo hinggil sa kanilang krimen na nagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *