Estudyante patay sa aksidente sa motorsiklo Naga City

NAGA CITY- Natapos ang mga pangarap ng isang 18-anyos na estudyante matapos na aksidenteng bumangga sa poste ang minamanehong motorsiklo sa Naga City.

Nangyari ito sa Barangay Balatas Naga City partikular sa tapat ng isang kilalang pribadong himlayan sa lungsod madaling araw Linggo Oct. 8, 2023.  Dinala sa ospital ang biktimang si Danmil Virtuz, residente ng Barangay San Felipe pero binawian ng buhay.

Wala pang opisyal na ulat ang Naga City Police Office pero nagpaabot na ng pakikiramay ang mga kakilala nito pati ang mga kaanak at inalala an pagiging mabait na binata.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Balatas punong Barangay Allan San Juan, sinabi nitong mag doble ingat ang mga motorista lalo na may pakurbada ang lugar. Nakiusap din sa mga nagtratrabaho sa kalsada na dagdagan ang mga warning signages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *