Estudyante, pinaaresto ng guro dahil sa dalang marijuana sa loob ng klase sa Batangas City

Naiturn-over na sa City Social Welfare and Development ang isang 16-anyos na estudyante matapos na ipaaresto ng kanyang guro dahil sa nakumpiskang hinihinalang marijuana mula sa kanyang bag sa Libjo National High School, Brgy. Libjo, Batangas City.

Ang estudyante na itinago na lamang sa pangalang “John” ay residente ng Brgy. Pallocan East, Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas City Police Station, dinala ito ng kanyang hindi na pinangalanang guro sa police station matapos makuhanan ng hinihinalang marijuana noong Enero 18, 2023.

Batay sa salaysay ng guro na nagsilbing arresting officer, sinumbong si “John” ng kanyang dalawang classmates matapos madiskubreng may tinatago itong marijuana habang nasa silid-aralan.

Agad nitong kinompronta ang naturang estudyante at pinabuksan ang kanyang bag.

Dito na nakuha ang isang transparent plastic box na may nakasilid na tatlong transparent zip-lock sachet na may lamang suspected marijuana.

Tinatayang umaabot ang timbang nito sa humigit kumulang 10 grams.

Naiturn-over na sa Women and Children Protection Desk Section ang mga nakumpiskang ebidensya mula sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *