Estudyante sa Naga, nadukutan ng ₱10K; mga suspek naaresto ng PNP

NAGA CITY- Huli sa CCTV ang pandurukot ng dalawang mga binata sa Naga City.
Sa report ng Naga City Police Office , nangyari ito bandang alas-8:00 ng umaga nitong Feb. 20, 2023 sa Naga City People’s Mall partikular sa Zamora St. brgy Sabang Naga City. Habang naglalakad ang biktimang si Christean Lev Tanteo y Maglalang, 23-anyos estudyante ng Timbang, Minalabac, Camarines Sur, napansin nitong bukas na ang bulsa ng kaniyang backpack. Nang tinggan nawawala na ang wallet laman ang ₱10,000.00 at ATM Card at mga IDs.


Sa pagresponde ng mga otoridad, nakita sa CCTV ang pandurukot. Nakilala ang mga suspek na sina
Mark Glen Botin , 23-anyos ng Concepcion Pequeña, Naga City at DJ Howard Julia, 25- ayos ng Barangay Tabuco, parehong lungsod. Naaaresto sila ng mga pulis, nabawi ang pera napag-alaman na may record na sila sa PNP.
Paalala ng pulisya kahit na backpack na disenyong ilagay sa likod, kung may mahahalagang dala at may malaking pera ilagay sa unahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *