EU, bukas sa pagsusulong para free trade deal, at GSP+ discussions sa Ph- OPS

Welcome sa European Council ang pagsusulong ni President Ferdinand Bongbong Marcos para sa free trade agreement at sa renewal ng Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) accreditation.

Pero ayon sa Office of the Press Secretary, na ang parehong trade deals ay magpapahintulot sa mga member nations na ma-access ang goods sa attractive levels ng tariffs, na minsan ay zero, at mapalakas ang paglipat ng mga produkto.

Matatandaan na nakipagpulong si Marcos kay European Council President Ursula Von der Leyen sa sidelines ng katatapos pa lamang na Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) summit sa Belgium.

Ayon sa OPS na batay kay Von der Leyen, ang GSP+ ay magbubukas ng pintuan para sa mas madaling simula patungo sa negosasyon para sa free trade agreement.

Sa naturang pulong, sinabi ng pangulo na inaasahan ang expansion ng FTA talks sa pagitan ng Pilipinas at sa bloc, maging ang renewal ng GSP+ status ng bansa.

Ang GSP+ status ay magpapahintulot sa Pilipinas na mag-export sa EU nang walang duties o hindi binabawasan ang taripa.

Ang preferential GSP+ status ay ibinigay sa Pilipinas noong 2012. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *