EU, kinuwestyon ang batas ng Indonesia na nagbabawal sa sex outside marriage

Kinwestiyon ng mga European officials ang bagong batas ng Indonesia na  nagbabawal sa sex outside marriage nang bumisita ang Pangulo ng bansa sa Brussels para sa isang international summit.

Tinanong ng EUkung ang ang bagong regulasyon ay hahantong sa diskriminasyon kapag ipinatupad lalo na ang criminalisation ng sex outside marriage at mga parusa para sa  pag-insulto sa presidente o pagpapahayag ng mga pananaw na salungat sa pambansang ideolohiya ng bansa.

Sinabi ng isang matataas na opisyal ng EU, na humiling na hindi magpakilala, na ang issue ay itinaas ng isang lider ng Europa sa isang magalang na paraan at sa iba’t ibang bilateral nmeetings sa pagbisita ni Pangulong Joko Widodo sa Brussels noong nakaraang linggo.

Sa unang bahagi ng buwang ito, ipinasa ng Indonesia ang matagal nang natigil na update sa criminal code ng bansa na kinabibilangan ng kontrobersyal na pagbabawal sa premarital at extramarital sex na mapaparusahan ng isang taon na pagkakakulong.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *