EU nababahala sa posibleng adverse effects ng 4th dose sa katawan ng tao

Nagbabala ang European Union regulators sa posibleng maging adverse effect ng fourth dose ng covid-19 vaccine sa katawan ng isang tao.

Paliwanag ng European Medicines Agency (EMA), posibleng humina ang immune system ng isang indibidwal kung kada tatlo o apat na buwan ay tuturukan ito ng bakuna kontra covid-19.

Binigyang diin ni Dr. Marco Cavaleri, EMA head of biological health threats and vaccines strategy na sa ngayon ay sapat na ang dalawa hanggang tatlong dose ng bakuna para malabanan ang anumang variant ng covid-19.

Ginawa ng EU ang pahayag kasunod nang pagsasagawa ng ilang mga bansa kabilang ang Israel ng fourth dose vaccination sa kanilang mga residenteng nakatanggap na ng booster shot tatlong buwan ang nakakaraan.

Mas mainam ayon kay Calaveri na palakasin na lamang ng bawat bansa ang kanilang booster shot vaccination sa halip na ituloy ang pagtuturok ng fourth dose ng bakuna.(CLAY MARQUEZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *