EU patuloy na kikilalanin ang Filipino seafarers certificates

Patuloy na kikilalanin ng European Union ang Filipino seafarers certificates,  ito ay matapos na sumunod ang bansa sa kanilang maritime labor requirements.

Nauna nang nagbabala ang European Mobility and Transport Commission noong Disyembre na pagbabawalan na ang mga Filipino seafarers na magtrabaho sa hurisdiksyon ng regional bloc kung hindi susunod ang Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for seafarers.

Nasa 50,000 Filipino seafarers na nagtatrabaho sa European vessels ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng bansa na makapasa sa European Maritime Safety Agency.

Sinabi ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr. noong Pebrero na ang Maritime industry’s development  sa Pilipinas ay isa sa pangunahing priyoridad ng kanyang administrasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *