Sports

Eumir Marcial, magbabalik aksyon sa six-round middleweight bout sa Pebrero

Sasabak sa six-round middleweight bout ngayong Pebrero si Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial.

Malapit nang ianunsyo ang kalaban ni Marcial at magaganap ang laban sa San Antonio, Texas.

Ang 27-anyos na boksingero ay nag-compile ng 3-0 record, na may 1 knockout mula nang maging propesyonal noong 2020.

Sa kanyang debut noong Disyembre 16, 2020, tinalo niya si Andrew Whitfield sa pamamagitan ng unanimous decision. Sa kanyang ikalawang laban noong Abril 9, 2022, nakabawi si Marcial mula sa tatlong knockdown para pigilan si Isiah Hart sa ikaapat na round.

Kahit naging pro, kinatawan pa rin ni Marcial ang Pilipinas sa mga international competition. Nanalo siya ng bronze medal sa Tokyo Olympics noong 2021 at nakakuha pa ng isang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago