Eumir Marcial nakatakdang dumating sa Pinas

Nakatakdang dumating ang Olympic middleweight qualifier na si Eumir Marcial sa Maynila sakay ang Philippine Airlines flight mula Los Angeles ngayong umaga.

Kinumpirma ni MP Promotions head Sean Gibbons, na umasikaso sa training ni Marcial kasama si coach Freddie Roach sa Wild Card Gym nitong nakaraang anim na buwan, ang flight ni Marcial, matapos nitong magpaalam sa LA noong Linggo.

Ayon kay Gibbons, nais ni Marcial na mabisita ang kanyang tatay Eulalio na may sakit sa Zamboanga City bago ang kanyang pagsali muli sa Philippine boxing camp na nakatakdang umalis para sa kanilang training camp sa New Delhi sa May 7.

Makakasama ni Marcial sa flight ang IBF superflyweight champion na si Jerwin Ancajas, ang manager at trainer na si Joven Jimenez, at ang sparmate ni Ancajas na si Jonas Sultan.

Kasalukuyang nagsasanay ngayon sa Thailan ang Philippine boxing team, at nakatakda rin itong pumunta sa New Delhi para sa karagdagang training, at makipagkompitensya sa Asian Elite Men and Women Boxing Championships mula May 21-31.

Inihayag ni Asian Boxing Confederation president Anas Al Otaiba na sa pamamagitan ng event ay maa-assess at mae-evaluate ang kahandaan ng Asian boxers para sa olympics.

Layon rin nito na mabigyan ang mga boksingero ng pinakamataas na competitive atmosphere at platform, at gagawin ang lahat ng ito ng alinsunod sa safety measures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *