Euthanasia, magiging legal na sa Portugal

Magiging legal na ang euthanasia sa bansang Portugal matapos pirmahan ni conservative President Marcelo Rebelo de Sousa ang panukalang batas na nagde-descriminalize nito na pinagtibay ng parliamento noong nakaraang linggo.

Bago pa tuluyang maipasa ang batas, naging kontrobersyal ito dahil sa pagpapahayag ng oposisyon sa ilang deboto sa katolikong bansa.

Ang huling bersyon ng “medically assisted dying” law ay pinagtibay noong nakaraang Biyernes na may 129 na botong pabor sa 230-seat parliament.

Kasalukuyang pinahihintulutan ang euthansia at assisted suicide sa ilang bansa sa europa gaya ng Benelux o Belgium, the Netherlands, and Luxembourg.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *