Evacuation Center sa Koronadal handa sa oras ng kalamidad

KORONADAL CITY- HANDA sa oras ng mga kalamidad ang bawat evacuation center ng 27 mga barangay sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang nilinaw ni Cyrus Jose Urbano, CDRRM-Officer ng lungsod sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Urbano, na maliban sa mga evacuation center sa bawat barangay handa rin ang Regional Evacuation Center ng lungsod na makikita sa Barangay San Jose na tumanggap ng mga bakwit sa oras ng mga kalamidad.

Hinggil rito, patuloy naman ang panawagan ng opisyal na maging vigilante sa oras ng kalamidad upang maiwasan ang anumang kapahamakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *