Evacuees sa Naga City nakauwi na

NAGA CITY – Nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga evacuees matapos na tumila na ang malakas na ulan sa Naga City na dala ng   Bagyong Paeng, kahapon.

Sa naging datus ng city government, umabot sa 1,522 ang individual na may katapat na 499 families ang lahat ng evacuees na pansamantalang tumira sa mga itinalagang evacuation centers ng lungsod.

Ang mga ito ay dalawang gabi lamang nanatili sa evacuation centers at ang iba ay isang gabi lamang.

Ito ang kinumpirma ng City Social Welfare and Development Office sa pamamagitan ni Eden San Andres, social worker, na ayon sa kanya ay may pabaon pang pagkain o kaya mga food packs sa iba.

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga sinabi nito na wala ng baha sa lugar ng mga evacuees kaya pinayagan na ng kanilang opisinang makauwi.

Ganito rin ang sinabi ni Teacher Nelson Orea ng Triangulo Elementary School na siyang naging in charge sa mga evacuees sa kanilang paaralan.

Kagabi, may panaka-nakang pag-uulan pa ring naranasan sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *