Ex-boyfriend na nanakot sa dating kasintahan  sa Camarines Sur , naaresto ng PNP

NAGA CITY- Kulungan ang bagsak ng 26-anyos na binata matapos na ireklamo ng kaniyang dating kasintahan.

Sa Bisa ng warrant of arrest na nakapalaman ang kasong paglabag sa  Anti- Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (R.A 9995) in relation to R.A 10175 at Violation of Sec. 5 par.(h) ng R.A 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act  in relation to R.A 10175 , inaresto ang binatang itago sa alyas “Islaw”.

Tinakot umano nito ang 21-anyos na ex-girlfriend na ipapakalat sa social media ang nude photos kung hindi makikipagkita at makikipagtalik.

Aabot sa halagang Php 270,000.00 ang kabuuang halaga ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Hinihikayat ng Baao MPS sa pangunguna ni PMaj.  Divino John  Pelea, Officer-In-Charge ang taumbayan na patuloy na makiisa sa mga layunin nitong gawing mapayapa at maayos ang bayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang illegal na gawain. Sinabi ring huwag mag-atubiling magbigay ng impormasyon ukol sa mga taong pinaghahanap ng batas.

Si “Islaw” ang itinuturing na Number 5 most wanted sa kanilang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *