Ex-broadcaster sa Albay, suspek sa pananaksak sa isang bank manager sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Kulong ang inabot ng isang dating broadcaster sa Albay matapos nitong saksakin ang isang bank manager sa Podium Bar, Benny Imperial St., Barangay Washington, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si Lamberto Docop Doronela, 57 anyos, residente ng P-5, Brgy. Tamaoyan ng nasabing lungsod, habang ang biktima naman ay si Jaime Verdida Aplacador, 47 anyos, manager ng BDO at residente ng Brgy. Bonot ng kaparehong lungsod.

Ayon sa report, bangdang 7:20 ng gabi, nasa kasagsagan ng pag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang dumating ang suspek na may bitbit na gunting na nakalagay sa bulsa.

Nilapitan ng suspek ang biktima sabay saksak sa kaliwang bahagi ng leeg sa hindi malamang dahilan.

Pagkatapos ang insidente ang suspek ay inaresto ng may-ari at iba pang mga customer, at itinurnover sa PNP habang ang biktima ay dinala sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon.

Napag-alaman umano na lango sa alak ang suspek at hindi pa ito nakakausap, kung kaya’t wala pang malinaw na impormasyon sa tunay na motibo ng pananaksak.

Sa ngayon, ang suspek ay sinampahan na ng kasong Frustrated Murder ng Legazpi City PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *