Ex-Bucor Chief Bantag at Zulueta pina-aaresto na ng korte kaugnay sa Lapid slay case

Ipinag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang pag-aresto kina dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag at former deputy security officer Ricardo Zulueta.

Ito ay may kaugnayan sa kasong murder na isinampa laban sa dalawa dahil pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa inmate na si Jun Villamor.

Sa inilabas na warrant of arrest na pirmado ni Judge Gener Gito, walang inilaang piyansa para sa pansamatalang kalayaan ng dalawang dating BuCor officials.

Inaatasan din ng korte ang mga arresting officer na magsuot ng body camera sa pag-aresto kina Bantag at Zulueta.

Nabatid na si Bantag ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay Lapid matapos itong maging sentro ng komentaryo sa mga nagdaang programa ng radio broadcaster bago ito pagbabarilin noong Oktubre 3 nang nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *