Ex-commissioner Guanzon, nanumpa na bilang P3PWD party-list representative

Nanumpa na bilang P3PWD party-list representative si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon sa House of Representatives.

Sa kanyang Facebook live, sinabi niya na tapos na ang isyu ng umanoy substitution sa pwesto dahil nakapanumpa na siya at uupo sa katapusan ng Hunyo.

Nagpasalamat si Guanzon sa lahat ng sumuporta sa kanya lalo na sa nangampanya kay outgoing Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo nitong nakaraang eleksyon.

Samantala, sinabi niya na personal na umano ang galit ni Duterte Youth Party List chairperson Ronald Cardema sa kanya kaugnay sa reklamo na isinumete nito sa Comelec.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.