Nilinaw ng dating undersecretary ng Department of Finance Cielo Magno na hindi resignation ang nangyari sa kanyang posisyon, kung hindi expiration lamang ng kanyang termino.
Ito’y ayon mismo sa inilabas na resolusyong inilabas ng MalacaΓ±ang, na agad namang pinadala kay Cielo kahapong ng umaga.

Aniya, makakatulog siya nang mahimbing dahil ang tanging ginawa niya lamang ay ang makakabuti sa Pilipinas.
Pinasalamatan niya ang lahat ng sumporta sa kanya at sinabing isang karangalan paglingkuran ang mga Pilipino.
Palasyo – may paliwanag
Nagpaliwanag ang tanggapan ng Executive Secretary hinggil sa pagkaka-alis sa pwesto ni Magno.
Sa ulat na ibinahagi ng Presidential Communications Office, nakasaad sa statement ng Executive Secretary, expected na ang “termination of appointment” ni Magno dahil sa pagiging unsupportive nito sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Iginiit pa ng Executive Secretary na sinasalungat ni Magno ang mga patakaran ni Pangulong Marcos na naka balandra pa sa kanyang social media kahit noong wala pa sa pwesto ang Presidente.
Mababatid na pumutok kahapon ang balitang nag resign sa pwesto si Cielo Magno na magiging epektibo sa September 16.