ex-DOJ Usec, dumipensa sa mabilis na pagresolba sa drug charges ng anak ni Remulla

‘Nothing strange,’ o wala umanong kahina-hinala sa mabilis na resolusyon sa drug case ng anak ni Justice Secretary Crispin Boying Remulla.

Ayon kay ex-Justice Undersecretary JJ Justiniano, ang mga criminal cases sa trial courts ay kailangang maresolba nang mas mabilis dahil sa continuous trial rule.

Giit niya, hindi naman ito bago, at marami nang kasong nagkaroon ng ‘short cut.’

Matatandaang nakalaya na ang batang Remulla sa naging kaso nitong illegal drug possession.

Biyernes nang ibaba ni Las PiƱas City Regional Trial Court Branch 197 Judge Ricardo Moldez II ang ‘not guilty verdict’ para sa possesion case ni Remulla partikular na ang paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *