Ex-husband ni Jennifer Lopez na si Marc Anthony, ikinasal ulit

Ikinasal muli ang 54-anyos na si Marc Anthony sa 23-anyos na modelong si Nadia Ferreira.

Ilang celebrity ang dumalo kabilang ang power couple na sina David at Victoria Beckham, aktres na si Salma Hayek , aktor na si Lin Manuel Miranda at mang-aawit na si Maluma na naging co-star din ni Jennifer Lopez sa pelikula.

Dinisenyo ni Galia Lahav ang gown ni Ferreira habang nakasuot ng Christian Dior ang groom.

Naroon din ang dalawang anak ni Anthony kay Dayanara Torres na sina Cristiana at Ryan.

Hindi agad malinaw kung nasa kasalan ang mga anak niya kina Jennifer Lopez na sina Emme at Ma at ang dalawang anak niya sa isa pang ex na sina Debbie Rosado na sina Arianna at Chase.

Ayon sa Daily Mail, ito ang ikaapat na kasal ni Marc Anthony.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *