Plano ng nine-time NBA All-Star na si Russell Westbrook na pumirma sa Los Angeles Clippers pagkatapos makumpleto ang isang contract buyout sa Utah Jazz at clearing waivers.
Ayon sa ulat, ipinadala ng Los Angeles Lakers si Westbrook sa Jazz dalawang linggo na ang nakararaan bilang bahagi ng isang three-team deal sa NBA trade deadline, ngunit hindi pa siya nakakalaro simula nang siya ay lumipat.

Inaasahang pipirma si Westbrook sa Clippers pagkatapos gumawa ng deal para sa natitirang $47 million sa kanyang magtatapos na kontrata.
Si Westbrook, ang 2017 NBA Most Valuable Player, ay sasali sa lineup na kinabibilangan ng dating kasamahan sa Oklahoma City na sina Paul George at Kawhi Leonard.//CA