Ex-lider ng Spin Dedala drug group, timbog sa Laguna

Arestado ang isang dating lider ng Spin Dedala Drug Group at ang kasamang babae sa isinagawang buy-bust operation sa V. Vergara St, Brgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna.

Ang mga suspek ay kinilala lamang ng Laguna PNP sa alyas na sina Crispin at Joan, pawang mga residente ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report ni PLt.Col. Rolly Liegen, chief of police ng San Pedro CPS, ikinasa ang operasyon nitong Lunes ng gabi, Abril 10, 2023, kung saan nakumpiska sa mga suspek ang limang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Umaabot ang timbang nito sa 5 gramo at may halagang humigit-kumulang P52,500.00.

Narekober din sa mga suspek ang isang coin purse na naglalaman ng 500.00 pesos at ang ginamit na buy-bust money.

Nasa kustodiya na ng San Pedro CPS ang mga naarestong suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *