Ex-Martial Law implementor Enrile: i-lift ang mga constitutional safeguards vs ML declaration

Kasabay ng ika-limampung anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong araw, isa sa mga naging maiinit na usapin sa isinagawang committee hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ay ang nakasaad sa saligang batas kaugnay sa pagdedeklara ng batas militar.

Pinangungunahan ni Sen. Robin Padilla ang pagdinig kung saan dumalo sa si dating senate president Juan Ponce Enrile.

Iginiit ni Enrile na ang deklarasyon ng Martial Law noong 1972 ay para pigilan ang panggugulo ng mga komunistang rebelde.

Sa naturang pagdinig iminungkahi din ni Enrile na magkaroon ng pagbabago sa 1987 constitution kung saan pinababalik nito ang ilang mga probisyon sa 1935 constitution na tinanggal sa 1987 version.

Kabilang dito ang salitang ’eminent danger’ na tinanggal sa probisyon para maging panuntunan sa pagdedeklara ng Martial Law.

Naniniwala kasi si Enrile na sinadya umano ito para tuluyang pahinain ang republika ng Pilipinas ng ilang mga leftist sympathizers.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *