Ex-Miss Universe PH, arestado sa kasong estafa

Nasa kustodiya na ngayon ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang dating Miss Universe Philippines na sangkot sa investment scam matapos na maaresto sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy 36, Araniw, Laoag City.

Kinilala ng Batangas PPO ang suspek na si Ms. Jewel May Lobaton, residente ng Taguig City.

Siya ay kinoronahang Bb. Pilipinas-Universe noong 1998.

Ayon kay Police Colonel Pedro Soliba, BPPO Provincial Director, si Lubaton ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Estafa sa isang hotel sa naturang lungsod.

Ang operasyon ay ikinasa ng Batangas PNP katuwang ang miyembro ng Laoag CPS at Ilocos Norte PNP.

Dagdag pa ni Soliba na ginagamit ng suspek ang pangalan ng dating asawa na si Sen. Koko Pimentel para makapang-engganyo.

Nagpapakilala rin umano itong producer ng talent agency at mayroong party-list.

Karamihan sa kanyang mga biktima ay mga politiko.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga dokumento para mai-turn over sa korte na nakakasakop ng nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *