Ex-NTF adviser, suportado ang mandatory vaccination

Suportado ni dating National Task Force against COVID-19 adviser at public health advocate na si Dr. Tony Leachon ang mga panukalang gawing mandatory ang bakunahan.

Ito ay sa gitna pa rin ng naitatalang bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Leachon na hindi raw dapat maghintay ang mga Pilipino at ang Gobyerno kung kailan tuluyang matatapos ang nararanasang pandemya.

Aniya, nakasalalay pa rin sa bakunahan, partikular sa bosoter dose ang pagtatapos ng pandemic.

Naniniwala si Leachon na kung gagawing mandatory ng susunod na administrasyon ang bakunahan sa loob ng unang isang daang araw nito – kaya umanong maging 80% ang protektadong populasyon.

Sa ganitong paraan aniya, maaabot ang target na 70% boosted population bago i-lift ang na-extend na pagsasailalim sa bansa sa public state of emergency na nakatakdang magtapos sa Setyembre.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.