Ex-President ng Maldives sugatan sa pagsabog

Sugatan ang dating Pangulo ng Maldives na si Mohamed Nasheed matapos ang pagsabog sa labas ng bahay nito.

Ayon sa report, ginagamot ngayon sa ADK hospital ang dapating pangulo.

Mariin namang kinondena ng Maldivian Democratic Party Foreign Minister Abdulla Shahid ang pag-atake kay Nasheed na tumatayo ngayong Speaker of Parliament.

Ang ganito aniyang uri ng pag-atake ay walang puwang sa kanilang pamayanan.

Hindi naman natukoy agad sa report kung ano ang motibo sa pag-atake at kung sino o anong grupo ang nasa likod nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *