Ex-Rep. Teves – posibleng makabalik sa bansa sa susunod na buwan

Kumpyansa ang Department of Justice (DOJ) na makababalik na sa bansa sa Hulyo si dating Congressman Arnie Teves.

Ito ay matapos manalo ng gobyerno ng Pilipinas sa extradition case laban kay Teves sa Timor-Leste.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, iginigiit ng kampo ng dating mambabatas na may death penalty sa bansa, at masama umano ang human rights conditions dito.

Hindi raw nakasisiguro ang kabilang kampo na hindi papatayin si Teves sa Pilipinas.

Ani Clavano, ki-nounter ito ng DOJ at pinresenta nila ang mga testigo.

Dito pa lang daw ay satisfied na ang Court of Appeals sa Timor-Leste – dahilan ng kanilang desisyon.

May 30 araw ang kampo ni Teves para maghain ng Motion for Reconsideration.

Pag-aaralan naman ito ng Court of Appeals ng Timor-Leste, at mag-iisyu rin ito ng desisyon hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *