Ex Sen. Trillanes ipinasa sa ICC ang video ni Ex. Pres. Duterte sa paggamit ng confidential funds

Ipinasa ni dating Senador Sonny Trillanes IV sa International Criminal Court (ICC) ang video ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kung saan inamin ni dating Pangulong Duterte sa isang pahayag ang paggamit ng Confidential Funds noong alkalde pa lamang ito sa Davao.

Batay sa video, ginamit daw ni Duterte ang CIF sa Extrajudicial Killings kaya naging payapa raw ang lungsod ng Davao dahil pinapatay niya ang mga drug addict.

Ayon sa social media post ni Trillanes, hindi ito maaring palampasin dahil isa itong open-and-shut case.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *