Ex-SoJ Aguirre, dumating sa DoJ para pasinungalingan si dating BuCor OIC Ragos

Nagtungo si dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II sa Department of Justice para pasinungalingan ang mga naging alegasyon ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos na pinilit lamang ito na tumestigo laban kay dating senadora Leila de Lima.

Matatandaaang pinayagan na ng Korte na maka-testigo si Ragos para sa kanyang recantation kung saan ay sinabi nitong tinakot lamang siya ni Aguirre para idiin si de Lima sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Sa pagharap ngayon ni Aguirre sa media, nanindigan itong hindi niya tinakot at inutusan si Ragos para maglabas ng testimonya laban sa dating senadora.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Kinuwestyon din ni Aguirre kung bakit hindi kaagad nag-recant ng testimonya si Ragos kahit na nawala na ito bilang Justice Secretary.

Ipinresenta pa ng dating kalihim ang isang video kung saan ay makikitang boluntaryong nagbigay ng statement si Ragos sa isang abugado ng Public Attorneys’ Office.
#