Ex-SRA chief Serafica, makukulong ng 15-araw dahil sa sugar importation

Pina-cite for indirect contempt ng korte ang dating chief ng Sugar Regulatory Administration (SRA) dahil sa pag-issue ng memorandum na nagpapahintulot para sa importation ng asukal, sa kabila ng writ of preliminary injunction na inilabas ng korte.

Dahil dito, makukulong ng 15 araw si Hermenegildo Serafica at pinagbabayad ng multa na P30,000 ni Judge Walter Zorilla ng Regional Trial Court Branch 55 sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Matatandaan na noong March 2, 2022, naglabas ang naturang huwes ng writ of preliminary injunction na nag-uutos sa SRA, agents nito at representatives na ipatupad ang cease at desist sa sugar importation program na nakapaloob sa ilalim ng Sugar Order No 3, Series of 2021-2022.

Pero noong May 4, 2022, naglabas si Serafica ng SRA Memorandum Circular No. 11, Series of 2021-2022, na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 200,000 MT sa asukal sa Luzon, Visayas at Mindanao, maliban sa Region 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *