Excitement at kaba, nararamdaman ng teenage surfer sa pagsabak sa olympic qualifier sa El Salvador

SORSOGON CITY – ‘’Excited pero kinakabahan.’’

Ito ang pagsasalarawan ni Vea Estrellado nang makapanayam ng Brigada News, sa kanyang nararamdaman para sa nalalapit nitong laban sa surfing competition sa darating na Mayo 29 sa bansang El Salvador upang makapasok sa Tokyo Olympics. 

Bagama’t kabado dahil ito ang unang beses na sasabak siya sa isang international competition, sinabi ng teenage surfer na mas nangingibaw ang excitement lalo na buo ang kanyang loob na makapag-uwi ng karangalan hindi lang para sa lalawigan ng Sorsogon kundi maging sa bansa.

Kaugnay nito, buong pusong pinasalamatan ng atleta ang lahat ng mga nagbigay ng suporta at tulong upang maipamalas niya ang kanyang galing sa nasabing sports.

Ang 17-anyos na tubong Gubat, Sorsogon na si Estrellado ang nag-iisang Bicolano na kasama sa mga sasabak sa surfing competition para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan ayon sa atleta ay gagawin niya ang lahat upang manalo dahil ang kanyang magiging tagumpay ay tagumpay ng bawat Sorsoganon at ng buong Pilipinas.

PHOTO: Vea fb account

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *