OLONGAPO- Binigyang diin ng Bureau of Fire Protection Olongapo na mahalagang naituturo sa mga bata sa bahay o sinumang madalas maiwan ang tinatawag na Exit Drill at Home.
Dito ay dapat pinagbibigay alam ng magulang sa mga ito ang mga kinakailangang gawin o dapat daanan sakali mang mayroong mangyaring sunog.
Ayon kay BFP Fire Director Chief Insp. Maria Leah Sajili, dapat unti-unting maituro sa mga kasama sa bahay ang Exit Drill at Home para maiwasang may mapahamak kapag may ganitong insidente.
Kinakailangan kasing tama ang kaalaman sa mga dapat gawin dahil ang fire safety ay hindi lamang umano dapat sa mga trabaho ginagawa kundi sa bahay rin para kapag may mga emergency ay alam ang mga gagawin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
