Expanded Number Coding Scheme, ibinalik na ng MMDA ngayong araw

Balik na ngayong Martes ang pagpapatupad sa number coding scheme sa Metro Manila – batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito’y sa kabila ng isinagawang transport strike ng iba’t ibang transport group kabilang na rito ang PISTON.

Sa ilalim ng scheme, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours.

Sakop ng polisiya sa araw na ito ang mga plakang nagtatapos sa 3 at 4.

Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, truck ng basura, marked government vehicle, truck ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at essential goods.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *