Expansion ng healthcare waste treatment facility ng So.Cot, isinusulong

KORONADAL CITY- PLANO ng Provincial Environment Management Office (PEMO) South Cotabato ang expansion ng Healthcare Waste Treatment Facility nito sa Barangay Tinongcop, Tantangan.

Ayon kay PEMO Seigfred Flaviano na isinusulong ng Provincial Solid Waste Management Board ang pagdagdag ng mga cells at machine sa naturang pasilidad.

Inihayag ni Flaviano na kung maisasakatuparan, maaari nang tumanggap ang probinsya ng mga healthcare waste mula sa mga karatig lugar tulad ng General Santos City, Sultan Kudarat, at Cotabato City na makakadagdag naman sa income ng lalawigan.

Sa ngayon, 28 mga hospitals, clinics, dialysis centers at health facilities pa lamang sa South Cotabato ang siniserbisyuhan ng Healthcare Waste Treatment Facility.

Sa naturang pasilidad dinadala ang mga infectious at hazardous waste tulad ng mga face mask, syringe, gloves, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *