“Express Lane For Women”, ilulunsad ng LTO-Bicol para sa mga kakabaihang kliyente bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month

BICOL – NAGPAHAYAG din ng suporta at pakikiisa ang Land Transportation Office o LTO-Bicol sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwang ng Marso.

Sa katunayan, sa ginanap na kick-off celebration ay mismong si LTO-Bicol Regional Director Francisco Ranches Jr. ang nangharana at namigay ng bulaklak para sa mga babaeng empleyado ng ahensya.

Sa isang mensahe, kinilala nito ang malaking papel at ambag ng mga kababaihan sa lipunan gayundin binigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang sa kanilang mga karapatan.

Patuloy umanong magiging “committed” ang LTO sa pagsusulong ng adbokasiya at sa katunayan umano, patuloy din na nadaragdagan ang kanilang mga babaeng kawani kung saan binubuo na ng mga nito ang 52.73% ng kanilang kabuuang workforce.

Samantala, ngayong buwan ay magtatalaga rin umano ang LTO-Bicol ng “Express Lane for Women” paraa sa kanilang mga babaeng kliyente at magkakaroon din ng ibat ibang aktibidad upang kilalanin ang kontribusyon ng mga kababaihan sa kanilang ahensya.

Suportado rin umano ng LTO-Bicol at Gender and Development committee ang misyon ng Philippine Commission on Women na may kaugnayan sa pagsusulong ng gender equality at women empowerment.

Sa huli, hinikayat ng opisyal ang lahat na magkaisa upang mawakasan na ang “stereotypes” at makalikha ng “safe space” para sa mga kababaihan at batang babae na malayo sa anumang uri ng pang aabuso.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *