Extension ng COVID-19 state of calamity, nakadepende sa DOH – Malacañang

Nakadepende pa umano sa magiging rekomendasyon ng Department Of Health (DOH) kung magkakaroon ng extension ang deklarasyon ng COVID-19 state of calamity sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles nang matanong siya patungkol sa plano ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ukol sa nalalapit na pagtatapos ng idineklarang state of calamity.

Matatandaan na noong Setyembre 2021, inextend o pinalawig pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang isa pang taon ang pagsasa-ilalim ng bansa sa state of calamity alinsunod sa patuloy ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Taong 2020 naman unang idineklara ang state of calamity matapos ang mabilis na paglobo ng covid-19 cases sa Pilipinas.

Posibleng ikonsidera ngayon ng DOH ukol sa pag-extend ng state of calamity ay ang kung ilan ang aktibong kaso ng covid-19 at kung totoo bang unti-unti nang nakakarekober ang bansa mula sa epekto ng pandemya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *