Fabian, halos papalabas ng PAR, pero pinapaigting ng habagat

Sa kabila na papalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Fabian, binigyang diin ng Pagasa na ito ay paiigtingin parin ng southwest monsoon.

Dahil dito, patuloy na uulanin ang kanlurang Luzon at Visayas.

Sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nakitang si Fabian ay nasa 540 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Napanatili nito ang lakas na hangin na 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa sa 185 kph, habang kumikilos pa-west northwest sa bilis na 10 kph.

Ibig sabihin, mabilis umano ang pagkilos nito ngayon, kumpara noong Huwebes.

Sa ngayon, nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa probinsya ng Batanes.

Samantala, ang isa pang tropical depression na binabantayan ng Pagasa sa labas ng PAR, ay nasa 2,770 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon, at hindi inaasahang makakaapekto sa bansa. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *