Face shield policy, posibleng ibalik dahil sa Omicron variant

Tinitingnan umano ng gobyerno ang posibilidad na ibalik ang pagsusuot ng face shields bilang karagdagang proteksyon, sa gitna ng banta ng Omicron coronavirus variant.

Mababatid na tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face shield policy sa karamihang lugar nito lang buwan.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr. naniniwala rin ang World Health Organization na kaya nagkaroon ng magandang resulta laban sa Delta dito sa Pilipinas, kumpara sa ibang mga bansa, ay dahil sa pagsusuot ng face shields.

Binigyang diin rin nito na pabor naman si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpapatupad ng kahit anung hakbang na makakatulong sa laban, kontra sa coronavirus.

Sa ngayon, tanging ang mga tao sa mga lugar na tinukoy bilang Alert Level 5 o mga nasa ilalim ng granular lockdowns ang required na magsuot ng face shields.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *