Face shields, nakakatulong mapababa ang COVID-related deaths – health expert

Nanindigan ang isang health expert na nakakatulong ang pagsusuot ng face shields para mapababa ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19.

Ginawa ni Dr. Edsel Salvana ng Philippine Task Force on COVID-19 variants ang pahayag matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shields sa labas o sa loob ng mga estblisyemento. 

Ayon kay Salvana, kapag mayroong dalawang layers ng proteksyon ang tao na face mask at face shield, kahit pumasok ang virus, mild disease lamang ang makukuha ng indibidwal kaya naman ang bilang ng namamatay sa bansa per million ay 1/10th lang o mas mababa kaysa sa Estados Unidos, United Kingdom, France, at Spain. 

Dagdag ng eksperto, di ngayon ang oras para bawasan ng bansa ang ating proteksyon lalo na’t mayroong banta ng COVID-19 Delta variant. 

Aniya, epektibo ang pagsusuot ng face shield at ngayong mayroong surges sa Pilipinas at marami pa ring community transmission, karagdagan itong proteksyon.

Mababatid na kamakailan lamang ay nagdulot ng kalituhan sa publiko ang polisiya sa pagsusuot ng face shields lalo na dahil sa contradictory statements ng iba’t-ibang government officials hinggil sa isyu. 

Humingi naman ng tawad ang pangulo sa naging kalituhan sa polisiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *