Face-to-face evaluation sa search for model family sa So.Cot, isinasagawa

KORONADAL CITY- NAGSASAGAWA ng face-to-face evaluation ang provincial government ng South Cotabato para sa Search for Most Outstanding Model Family ngayong taon.

Kabilang sa mga nominado sa naturang search ang pamilya nina Efren at Marichu Handog ng Tupi; Hernan at Teresita Javellana ng Banga; Benjie at Emma Blonto ng Lake Sebu; Gonde at Felovilla Sadiang-abay ng Tantangan; Georgie at Larraine Cornelio ng Tampakan; Mario at Salvacion Casica ng Sto.Niño; Gregorio at Dorothy Otero ng Norala; Leonardo at Adelaide Ballon ng Surallah; Edgardo at Sonia Dizon ng T’Boli; Romeo at Juliet Manoop ng Polomolok; at pamilya nina Mr. and Mrs. Edilberto at Sonia Pama ng Koronadal City.

Ang mananalong model family ay makakatanggap ng premyong P 50,000; P 30,000 sa 2nd place; at P 20,000 sa 3rd place.

Ang Search for Most Outstanding Model Family ng PPO ay may layuning kilalanin at parangalan ang mga modelong mag-asawa at kanilang mga anak na nagpapakita ng magandang pamamahala sa kanilang pamilya at tahanan sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagpapakumbaba, value for education, hard work, love of God at serbisyo sa kapwa.

Ang awarding ceremony ay gaganapin sa November 24, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *