Facemask na pwedeng kainin, mabibili na ngayon sa Japan

Japan—Maniniwala ka ba na ang facemask na ginagamit natin bilang proteksyon kontra COVID-19 ay pwede na ring makain at maging pamatid gutom?

Posibleng-posible yan! Katunayan, ginagamit na ngayon ng mga Japanese ang facemask na tinawag nilang “Mask Pan” na hindi lang magsisilbing protective gear kontra COVID-19 kundi pwede ring makain at gawing snacks sapagkat ito ay gawa sa melon bread na isang uri ng tinapay.

Ang naturang imbensyon ay gawa ng tatlong Japanese University students mula sa Okinawa at Fukuoka na nangarap umanong makaamoy ng tinapay kahit nakasuot ng facemask.

Hindi rin biro ang kalidad ng Mask Pan dahil bago inilabas sa komersyo ay isinailalim muna ito sa pagsusuri ng Unitika Garmentec Research Institute at napatunayang kaya nitong i-block ang mga droplets dahil sa “high density fibers” na taglay ng melon bread.

Ganunpaman, hindi inirerekomendang gamitin ang Mask Pan sa mga matataong lugar lalo na sa mga ospital. Sa ngayon, ay pwede na itong mabili sa merkado at online sa hagalagang 1,800 Yen o katumbas ng P780.00 sa bawat limang piraso.|| JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *