‘Failure’ sa MIF, posibleng mangyari kung mga pulitiko ang magpapatakbo ayon kay PBBM

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga foreign business leaders na mga professional managers ang mangangasiwa sa Maharlika Investment Fund (MIF), at hindi mga pulitiko dahil baka ‘failure’ ang maidulot ng mga ito sa pondo.

Ito ang naging pahayag ni Marcos sa ika-10 Asia Summit sa Singapore, kasabay ng pagsusulong ng Pilipinas bilang isang investment destination.

Ani Marcos, ang ganitong pamamalakad ay upang mapanatili ng independence ng financial operation at policy-making sa sovereign fund, at para masiguro ang tagumpay nito.

Sa sandali raw kasing ma-involve ang mga pulitiko, hindi na ‘purely financial in nature’ ang mga desisyon – na siya namang magdudulot ng pagbagsak ng pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *